Our Mission
Ang Murang Kuryente Partylist ay itinatag upang maging tunay na boses ng mamamayan sa usapin ng abot-kayang kuryente at makatarungang sistema ng enerhiya sa bansa.
Layunin nitong ipaglaban ang kapakanan ng bawat Pilipino laban sa patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente na nagpapahirap sa mga pamilya, negosyo, at komunidad.
Ipagtanggol ang karapatan ng mamamayan laban sa mataas na singil sa kuryente
Sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga polisiya at batas na magtitiyak na ang presyo ng kuryente ay patas, makatwiran, at naaayon sa tunay na halaga ng produksyon at distribusyon.
Isulong ang transparency at accountability sa power generation, transmission, at distribution
Upang matiyak na ang lahat ng proseso sa sektor ng enerhiya ay malinaw sa publiko at walang puwang ang anumang uri ng pang-aabuso o hindi makatarungang singil.
Maglatag at magsulong ng mga batas at programa
Magpapababa sa kabuuang gastos sa kuryente ng bawat Pilipino, kabilang ang pagsusuri sa mga umiiral na kontrata, regulasyon, at istruktura ng industriya ng enerhiya.
