About Murang Kuryente Partylist
Who We Are
Ang Murang Kuryente Partylist ay isang sektor na kumakatawan sa mga consumers ng kuryente sa buong Pilipinas.
Layunin nitong tiyakin na ang bawat Pilipino ay may:
- Abot-kayang kuryente
Mas mababang singil sa kuryente upang hindi maging mabigat na pasanin sa mga pamilyang Pilipino at sa mga negosyo. - Transparent na billing system
Malinaw at madaling maunawaan na electric bill upang malaman ng consumers kung paano kinokompute ang kanilang binabayaran. - Makatarungang energy policies
Mga batas at patakaran sa sektor ng enerhiya na nagpoprotekta sa karapatan ng mamamayan at nagsisiguro ng patas na sistema ng kuryente.
Core Advocacy
Pagtitiyak na abot-kaya at naa-access ng bawat pamilyang Pilipino ang kuryente.
Pagsusulong ng pagiging bukas at pananagutan sa industriya ng kuryente upang maiwasan ang korapsyon at hindi makatarungang singil.
Pagprotekta sa karapatan ng mga konsyumer sa pamamagitan ng patas na singil sa kuryente, maayos na serbisyo, at tamang regulasyon.
Pagsuporta sa paggamit at pagpapaunlad ng malinis at pangmatagalang mapagkukunan ng enerhiya.
